NAG-deploy ang Mexico ng libu-libong sundalo para palakasin ang seguridad matapos ang sunod-sunod na karahasan makaraang mapaslang ang isang powerful drug lord.
Ayon kay Mexican Defense Secretary Ricardo Trevilla, karagdagang 2,500 na mga sundalo ang ipinadala sa Western Mexico, kahapon.
Simula noong Linggo ay nagpakalat ang pamahalaan ng 9,500 na mga sundalo sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sumiklab ang kaguluhan sa dalawampung estado mula nang masawi si Nemesio Oseguera Cervantes na kilala rin bilang “El Mencho” habang nasa kustodiya ng mga awtoridad, matapos itong maaresto ng Mexican special forces sa Jalisco State.




