NASAWI ang dalawang lalaki sa pagsabog na naganap sa pabrika ng paputok sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay Norzagaray Mayor Maria Elena Germar, nangyari ang pagsabog bago mag-tanghali ng Miyerkules, Oct. 22 sa Barangay Partida.
Kinumpirma naman ng Bulacan Provincial Police Office na matapos maapula ang sunog ay nakita ang mga labi ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ilegal ang operasyon ng pabrika dahil wala itong Permit.