Magkakaroon ng Reunion Concert ang OPM Band na Rivermaya sa susunod na taon.
Sa social media, inanunsyo ng Live Nation Philippines na gaganapin ang reunion ng Rivermaya sa Feb. 17. 2024 sa SMDC Concert Grounds, na parehong venue kung saan muling nagsama-sama ang mga miyembro ng Eraserheads para sa “Ang Huling El Bimbo Show” noong December 2022.
Magiging available ang tickets sa show sa Nov. 17, alas tres ng hapon sa www.smticketnets.com at SM ticket outlets.
Ang Rivermaya ay binubuo nina Bamboo, Rico Blanco, Nathan Azarcon, at Mark Escueta.
Umalis ng banda si Bamboo noong 1998 at nag-take over si Rico bilang bokalista hanggang sa iwan din niya ang Rivermaya noong 2007.
Nakilala ang rivermaya sa mga kantang “214,” “Kisapmata,” “Himala,” “Elisi,” “Awit ng Kabataan,” at iba pa.