Nagtaas ng Blue Alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center dahil sa bagyong Isang.
Mula sa White Alert nasa Blue Alert na muli ang NDRRMOC epektibo ngayong tanghali ng Biyernes, Aug. 22.
Ito ay bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Isang.
Iniutos ang paghahanda at pagtatalaga ng lead officer mula sa Office of the Civil Defense at Detailed Duty Officers para sa mabilis na koordinasyon at responde sakaling may maapektuhan ang bagyo.