Inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) ang online submission ng Statement of Contribution and Expenditures o SOCE.
Nagkaroon ng soft launch ang Comelec sa Project SURI o “Siyasatin, Unawain, Resolbahin, at Ipanagot”.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Pormal itong ipatutupad para sa idaraos na Bangsamoro Parliamentary elections sa October 13.
Bago ang nasabing proyekto ang SOCE ay mano-manong isinusumite sa Comelec main office para sa national candidates at party-lists at sa Comelec local office naman para sa local candidates.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na para hindi manibago, ang mga kandidato sa Bangsamoro Parliamentary elections ay maaaring gamitin ang online filing ng SOCE at maaari pa dind magsumite ng mano-mano kung kanilang nanaisin.