SASAMPAHAN ng Ombudsman ng mga kaso si dating Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez kaugnay ng flood control scandal, sa susunod na anim hanggang siyam na buwan.
Ginawa ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pahayag sa isang forum tungkol sa flood control controversy na inorganisa ng University of the Philippines College of Law, na ginanap sa UP Bonifacio Global City.
Idinagdag ni Remulla na pinag-aaralan nila ang iba pang anggulo subalit tumanggi itong magbigay ng iba pang mga detalye.
Tiniyak din ng Ombudsman na hindi sila magsasampa ng Lousy Case bilang Anti-Graft Buster ng bansa.
Una nang inihayag ni Remulla na posibleng may pananagutan si Romualdez bilang noo’y speaker, para sa Gross Negligence, sa mga aksyon ni Dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co, na nahaharap sa mga kasong kriminal bunsod ng umano’y maanomalyang 289-Million Peso Flood Control Project sa Oriental Mindoro.




