INANUNSYO ng International Olympic Committee na “biological females” lamang ang papayagang sumabak sa women’s events, dahilan para hindi makasali ang transgender women.
Muling paiiralin ng IOC ang testing para sa gender upang matukoy ang eligibility sa pagsali sa women’s events simula sa 2028 Los Angeles Olympics hanggang sa mga susunod pa.
ALSO READ:
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Benilde, pinauwi ang Perpetual para sa ikalimang sunod na NCAA Women’s Volleyball Finals
Pinay Tennis Ace Alex Eala, laglag na sa 2026 Miami Open
World No.1 Carlos Alcaraz, pinadapa ni Sebastian Korda sa Third Round ng Miami Open
Sa naturang polisiya, aalisin din ang maraming athletes with Differences in Sexual Development (DSD).
Nangangahulugan ito na inaabandona na ng IOC ang mga rules na ipinatupad nito noong 2021 kung saan pinayagan ang Individual Federations na magpasya sa sarili nilang polisiya.
Ipatutupad ngayon ng IOC ang isang polisiya para sa lahat ng Olympic sports.
