PATAY ang most wanted at leader ng kinatatakutang JALISCO NEW GENERATION (CJNG) drug cartel sa isang security operation sa Mexico, ayon sa Defence Ministry.
Binawian ng buhay si Nemesio Oseguera Cervantes, na mas kilala bilang “El Mencho,” habang ibina-biyahe patungong Mexico City matapos masugatan sa engkwentro, sa pagitan ng kanyang supporters at army.
Apat na CJNG members ang napaslang sa bayan ng Tapalpa, sa Jalisco State, habang tatlong army personnel naman ang nasugatan.
Ang 59-year-old na si El Mencho na dating pulis ang may hawak sa malawak na criminal organization na responsable sa trafficking ng malalaking bulto ng cocaine, methamphetamine at fentanyl sa Estados Unidos.




