PATULOY ang pag-angat ni Filipina Tennis Ace Alex Eala sa Professional Circuit, matapos maabot ang New-Career High WTA Ranking, bago sumabak sa Guangzhou Open sa China.
Umakyat ang Pinay Tennis Sensation sa World No. 53, mula sa dating No. 54 na naabot nito noong Oct. 6.
Ibig sabihin nito ay malapit nang makapasok ang bente anyos na Pinay sa Top 50, kung saan kabilang ang mga pinakamagagaling na tennis players sa buong mundo.
Tumaas ang Rankings ni Eala na mayroon ng 1131 points, sa kabila ng Early Exit sa Japan Women’s Open, kung saan kinapos siya kay Tereza Valentova ng Czechia sa kanilang Round of 32 Match.