BIBIGYAN ng Office of the President ng additional cash incentives ang mga Pilipinong atleta na nakapag-uwi ng medalya mula sa 33rd Southeast Asian Games na ginanap sa Thailand noong nakaraang taon.
Ang naturang incentives ay bukod pa sa itinakda sa ilalim ng batas.
ALSO READ:
EJ Obiena wagi ng bronze medal sa 2026 ISTAF Indoor meet sa Germany
Alex Eala, maglalaro sa Philippine Women’s Open
Lebron James, inisnab bilang NBA All-Star starter sa unang pagkakataon simula noong 2004
BIGO si si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa kanyang debut sa Main Draw ng Australian Open sa Melbourne Park.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magbibigay ang kanyang opisina ng karagdagang 300,000 pesos para sa mga gold medalist; 150,000 pesos sa silver medalists; at 60,000 pesos sa bronze medalists.
Sinabi ng pangulo na pagkakalooban din ng kanyang opisina ng sampunlibong piso ang bawat atleta na nanalo sa iba pang mga kompetisyon bukod sa SEA Games.
