PWEDENG maghain ng reklamo sa Senate Committee on Ethics para kwestyunin ang patuloy na pag-absent ni Senator Bato Dela Rosa.
Ito ang sagot ni Senate President Tito Sotto sa mga naghahanap ng accountability sa tuloy-tuloy na hindi pagpasok at pagdalo sa mga sesyon ni Dela Rosa.
ALSO READ:
Unang sinabi ni Senator Win Gatchalian na maaring pag-aralan ang senate rules kaugnay ng pag-absent ng senador nang walang malinaw na dahilan.
Pero sabi ni Sotto, mahirap maamyendahan ang rules at mas mainam pa aniya na magreklamo na lang sa Ethics Committee.
Una nang sinabi ng senado na kahit patuloy ang pag-absent ni Dela Rosa ay tuloy ang pagtanggap niya ng sweldo dahil hindi umiiral sa senado ang “No Work, No Pay” Rules.




