Nag-inspeksiyon ang Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources at San Miguel Corporation sa dolomite beach.
Kasunod ito ng alok ni SMC President at CEO Ramon Ang na tutulong ang kaniyang kumpanya para masolusyonan ang pagbaha sa Metro Manila.
Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado
Ilang Flood Control Projects sa Navotas, under construction pa rin
300K Beep Cards, inaasahang maide-deliver ngayong Agosto para matugunan ang Shortage, ayon sa DOTr
Rehabilitasyon sa Phase 1 ng EDSA Busway, nagsimula na
Sa isinagawang ocular inspection, tiningnan ang Faura outfall na isa sa tatlong malalaking drainage outfall na naisara nang simulan ang rehabilitasyon ng Baywalk noong taong 2020.
Tinalakay ang mga posibleng solusyon at maaaring maibigay na tulong ng SMC para makadaloy ang tubig at hindi na maging sanhi ng pagbaha sa bahagi ng Taft Avenue.
Sa isinagawa namang pulong, ibinahagi ng SMC ang update sa mga daluyang tubig na kanila nang nalinis at patuloy na isinasaayos para maibsan ang pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.