INALERTO ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang Regional Offices nito sa Region 3 at MIMAROPA kaugnay sa isasagawang Rocket Launch ng China.
Ayon sa abiso ng NDRRMC, posibleng isagawa ang paglulunsad ng Long March 7 Rocket ng China ngayong July 15 hanggang 17, 2025 at maaaring may mga mahulog na debris mula dito.
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Kabilang sa tinukoy na Drop Zones ng NDRRMC ang bahagi ng Cabra Island sa Occidental Mindoro, bahagi ng Recto Bank, Busuanga Palawan, at Bajo De Masinloc.
Paalala ng Philippine Space Agency sa publiko iwasang hawakan, kuhanin o lapitan kung may makikita silang mahuhulog na debris para hindi sila malantad sa Toxic Substances, sa halip ay agad itong iulat sa mga otoridad.
Inabisuhan din ang Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), and Department of Environment and Natural Resources (DENR)-NAMRIA na ikunsidera ang pagpapatupad ng Temporary Restrictions at magpalabas ng Notice to Mariners at Coastal Navigational Warnings sa mga tukoy na Drop Zones.
