HINDI bababa sa 33 na minero ang nasawi sa hinihinalang nag-leak na carbon monoxide sa minahan ng lead at zinc sa Plateau State sa Nigeria.
Nangyari ang trahedya sa isang site sa labas ng bayan ng wase, na pinatatakbo ng mining company na Solid Unity Nigeria Limited.
ALSO READ:
Naniniwalang nag-build up ang toxic gas sa underground ng poorly ventilated tunnels, dahilan para mag-collapse ang mga minero bago matapos ang kanilang night shift.
Mahigit dalawampu naman ang nasagip at mabilis na isinugod sa ospital upang malapatan ng lunas.




