SINAMPAHAN ng reklamo sa National Bureau of Investigation si dating Presidential Spokesperson Harry Roque dahil umano sa pangangamkam ng lupain sa Bataan.
Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, pawang mga magsasaka sa Bataan ang nagsampa ng reklamo.
ALSO READ:
Sa ngayon, kinukumpleto pa aniyang NBI ang written statements ng mga complainant.
Bilang bahagi ng proseso ng imbestigasyon, sinabi ni Mallari na kukuha rin ng record ang NBI sa Department of Agrarian Reform at Registry of Deeds kaugnay ng lupain na sangkot sa reklamo.
Si Roque ay kasalukuyang nasa Netherlands.
Nahaharap din siya sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng Lucky South 99 na isang POGO firm.




