BALIK na sa operasyon ang apat mula sa anim na cooling towers na huminto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ginagawa na ng kanilang engineering team ang pag-restore sa iba pang cooling towers sa paliparan.
Sa ngayon ay gumagamit muna ng evaporative fans sa mga critical area sa airport upang mabawasan ang discomfort ng mga pasahero dala ng init ng panahon habang mayroon ding ipinamimigay na bottled water.
Noong sabado ng gabi, ay ilang cooling towers sa NAIA terminal ang tumigil bunsod ng electricity overload.