BAHAGYANG makakahinga ang mga motorista sa susunod na linggo matapos ang mahigit isang buwang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo dulot ng kaguluhan sa Middle East.
Sa gitna ito ng dalawang linggong ceasefire na napagkasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
ALSO READ:
Ayon sa Oil Industry Source, bumaba ang presyo at premiums sa Mean of Platts Singapore (MOPS) bunsod ng ceasefire deal sa Middle East.
Batay sa MOPS trading sa unang tatlong araw ng linggo, tinaya sa P2.50 hanggang P3.40 per liter ang posibleng matapyas sa presyo ng diesel habang piso sa kada litro ng gasolina.
Posible pang mabago ang projections, depende sa resulta ng trading hanggang ngayong Biyernes.




