ISANG pulong ang idinaos sa Northwest Samar State University (NwSSU) kahapon bilang paghahanda para sa Region 8 State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) Meet, na gaganapin simula sa Dec. 8 hanggang 13.
Nagsama-sama ang University Officials, Local Government Representatives, at mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pati na ang ilang stakeholders, sa NwSSU Business Development Center para sa mahalagang coordination meeting upang masigarado na lahat ng detalye ay maayos upang maging matagumpay ang event.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Itatampok sa taunang athletic meet ang labing isang State Universities mula sa iba’t ibang panig ng Eastern Visayas, kung saan inaasahang lalahok ang halos limanlibong mga atleta at mga opisyal.
Naging sentro ng meeting ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Calbayog at NwSSU, para sa pagsasapormal ng commitment ng lungsod upang suportahan ang event.
