TATLUMPU’T dalawa katao ang nasawi habang animnapu’t anim na iba pa ang nasugatan matapos bumagsak ang isang construction crane sa umaandar na tren, sa North-Eastern Thailand.
Nadiskaril ng crane ang tren at nadaganan ang mga bagon nito, kabilang ang isa na nasunog.
ALSO READ:
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Ayon sa Thai officials, lulan ng tren ang isandaan pitumpu’t isang pasahero nang mangyari ang aksidente.
Naglunsad na ang State Railway of Thailand ng imbestigasyon sa insidente, kasabay ng pagtiyak na gumagawa na sila ng legal na hakbang laban sa construction company na responsable sa crane.
