NASUNGKIT ni Karl Eldrew Yulo ang bronze medal sa Horizontal Bar Finals sa Cairo Leg ng Artistic Gymnastics World Cup sa Egypt, para sa panibagong podium finish.
Ito ang ikalawang bronze medal ng Filipino gymnast sa Cairo, kasunod ng kanyang third-place finish sa floor exercise noong Linggo.
Nakapagtala si Yulo ng score na 13.733 para sa ikatlong puwesto, sunod kina Li Hongyan ng China na nanalo ng ginto sa score na 14.400 at Marios Georgiou na nagwagi ng silver sa score na 13.900.
Una nang naiuwi ni Yulo ang gold medal sa floor exercise sa Antalya Leg ng World Cup noong nakaraang buwan.




