8 September 2024
Calbayog City
Local

November 8, itinalaga bilang taunang pista ng Our Lady of Hope ng Palo

our lady of hope
image from Our Lady of Hope of Palo Chapel Facebook page

Kasabay ng paggunita sa ika-10 taon ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region, itinalaga ni Palo Archbishop John Du ang petsa ng November 8 bilang taunang pagdiriwang o ang Feast of Our Lady of Hope of Palo.

Layunin ng deklarasyon ang higit pang paigtingin ang debosyon sa Our Lady of Hope at ang marubdob na pananampalataya ng mamamayan ng Palo.

November 8, 2013 nang manalasa ang malakas na bagyo sa Central Visayas kung saan pangunahing napinsala ang Tacloban City na nakapaloob sa kawan ng Archdiocese of Palo.

Isang taon makalipas ang bagyo nang magpagawa ng imahe ng Our Lady of Hope si Archbishop Du bilang pintakasi ng mga nakaligtas sa kalamidad.

Ang Typhoon Yolanda na may international name na Haiyan ay isa sa naitalang pinakamalakas na bagyong nanalasa at nakapinsala hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa ilang pang mga bansa.

Taong 2015, sa pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas isang maliit na imahe ng Mahal na Birhen ang ipinagkaloob ng arsobispo na mula sa nasirang Palo Cathedral.

Habang noong nakalipas na taon nang putungan ng korona ang imahe na magsisilbing inspirasyon ng Pag-asa ng mga nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Yolanda kung saan tinatayang higit sa anim na libo ang naitalang nasawi.  (Jack Adriano)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *