13 October 2025
Calbayog City
Local

Northern Samar provincial government, pinaigting pa ang mga hakbang laban sa asf

PINAIGTING pa ng Northern Samar Provincial Government ang mga hakbang upang maiwasan at makontrol ang pagkalat ng african swine fever (ASF) sa hog farms.

Ito’y matapos mapaulat ang labing apat na kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit sa mga baboy sa tatlong bayan sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Provincial Agriculture Officer Jose Luis Acompañado, na naglunsad sila ng field surveillance sa mga bayan kung saan mayroong napaulat na hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).