Apektado pa rin ng Northeast Monsoon o Amihan ang ilang bahagi ng Northern at Central Luzon habang easterlies ang iiral sa natitirang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, magdadala ang easterlies ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas at Caraga.
Ang pinagsamahang epekto naman ng easterlies at localized thunderstorms ang magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan o pagkulog at pagkidlat sa natitirang bahagi ng Visayas, nalalabing bahagi ng Mindanao, Bicol Region, at Palawan.
Posible namang magdala ang amihan ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ambon ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Luzon.