TINIYAK ni North Korean Leader Kim Jong Un ang “unconditional support” sa Russia sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine.
Ayon sa State Media sa Pyongyang na Korean Central News Agency, inaasahan ni Kim na magwawagi ang Moscow sa digmaan.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Isa ang North Korea sa main allies ng Moscow sa mahigit tatlong taong opensiba sa Ukraine, at nagpadala ng libo-libong sundalo at mga armas upang tulungan ang Kremlin na patalsikin ang Ukrainian forces mula sa Kursk na border region sa Russia.
Inihayag din ng State News Agency na nagkasundo ang dalawang bansa na ipagpatuloy ang pagpapalawak sa matatag nilang relasyon.
