NAGSAGAWA ang North Korea ng simulated “Tactical Nuclear Attack” drill na kinabibilangan ng dalawang long-range cruise missiles.
Ayon sa kcna News Agency, ang isinagawang drill ay babala sa mga kaaway na handa ang bansa sakaling magkaroon ng nuclear war, kasabay ng pagtiyak muli ng Pyongyang na paiigtingin ang kanilang military deterrence laban sa Washington at Seoul.
Ang dalawang cruise missiles na may kargang mock nuclear warheads ay pinakawalan patungong West Sea ng Peninsula. Sa hiwalay na statement, sinabing binisita ni North Korean Leader Kim Jong Un ang Pukjung Machine Complex, na nagpo-produce ng marine engines, at isang major munitions factory upang bigyang diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng naval forces ng Pyongyang.