IBINIDA ng North Korea na naglunsad ito ng 250 new tactical ballistic missile launchers sa border nila ng South Korea, sa pinakabagong deklarasyon ng kanilang lider na si Kim Jong Un kontra sa kanilang kapitbahay na bansa.
Sa mga litratong isinapubliko ng North Korean State Newspaper, makikita ang vehicle-based missile launchers na may dose-dosenang malalaking military trucks na nakahanay sa harapan ni Kim.
ALSO READ:
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
Sa seremonya kagabi, ikinatuwa ng mga manonood nang dumaan ang mga sasakyan, kasabay ng pag-imbulog ng mga pailaw sa kalawakan.
Personal na sinaksihan ni Kim ang pagturnover ng equipment sa Military Commanders at Chiefs of Staff, at ipinagmalaki na ang bagong missile launchers ay binuo sa pamamagitan ng North Korean Technology.
