INANUNSYO ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipatutupad nila ang “No Permit, No Rally” Policy para sa 40th Anniversary ng EDSA People Power Revolution sa Feb. 25, sa harap ng magkakahiwalay na kilos-protesta ng iba’t ibang grupo.
Sinabi ni NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo na kailangan nilang maghanda dahil dalawang malaking pagtitipon ang mangyayari.
ALSO READ:
Bukod kasi sa EDSA Anniversary ay may ilulunsad din na Trillion Peso March ang iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang sektor sa Miyerkules, para ihayag ang kanilang pagtutol sa korapsyon sa pamahalaan at sa political dynasties.




