PAGPAPAHINGAHIN na ng Brooklyn Nets ang No. 15 jersey ni Vince Carter bago ang home game ng koponan laban sa Miami Heat sa Jan. 25, 2025.
Ang jersey ni Carter ang ika-pito sa ire-retiro ng franchise, sunod kina Drazen, (no.3); Jason Kidd, (no. 5); John Williamson, (no. 23); Bill Melchionni, (no. 25); Julius Erving (no. 32), at Charles “Buck” Williams (no. 52).
Sinabi ni Nets Governor Joe Tsai na bibigyan nila ng pagkilala ang dati nilang manlalaro na malaki ang naging ambag sa loob at labas ng basketball court.
Si Carter na miyembro ng Class of 2024 Hall of Fame, ay nag-average ng 23.6 points sa four-plus seasons, sa ilalim ng Nets simula 2004 hanggang 2009.