PATAY ang isang pulis sa pinaniniwalaang robbery attempt habang hinihintay ang kanyang misis sa Pasay City.
Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue sa kanto ng Primero De Mayo Street sa Barangay 90.
ALSO READ:
Ayon sa mga awtoridad, ang trenta’y nueve anyos na biktima ay mula sa District Tactical Operations Center (DTOC) ng Manila Police District.
Batay sa CCTV Footage, nakaupo ang biktima sa kanyang motorsiklo habang hinihintay ang misis, nang lapitan ng lalaking nakasuot na helmet saka bumunot ng baril.
Bago naman maiputok ng suspek ang baril ay nailabas na rin ng pulis ang kanyang armas at nagtangkang tumakbo.
Nagkaroon ng maikling palitan ng putok hanggang sa tamaan ng bala at bumagsak sa sidewalk ang pulis.