10 March 2026
Calbayog City
National

Presyo ng produktong petrolyo, tataas ng 17 hanggang 24 pesos per liter ngayong linggo

TATAAS ng 17 hanggang 24 pesos ang kada litro ng oil products ngayong linggo, subalit uutay-utayin ito ng pitong araw, sa halip na isang bagsakan lamang.

Ginawa ni Energy Secretary Sharon Garin ang anunsyo sa briefing, kahapon, kasama ang government agencies, sa Hearing ng House Committee on Ways and Means, kung saan tinalakay ang panawagang suspindihin ang pagpapatupad ng excise tax sa langis.

Ipinaliwanag ni Garin na hindi makontrol ng Department of Energy (DOE) ang presyo ng langis dahil deregulated ang oil industry.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.