KINAPOS ang gilas Pilipinas laban sa Chinese Taipei sa score na 91-84 sa third window ng Fiba Asia Cup Qualifiers sa Taipei Heping Basketball Gymnasium.
Ito ang unang panalo ng Chinese Taipei laban sa Pilipinas simula noong 2013.
Sa first window ng qualifiers noong pebrero ng nakaraang taon, nanalo ang Gilas laban sa Chinese Taipei sa score na 106-53.
Magtutungo ang Gilas Pilipinas na mayroon nang spot sa Fiba Asia Cup sa agosto, sa New Zealand para sagupain ang tall blacks sa linggo.