PINASASAGOT ng Korte Suprema ang Kamara sa petisyong inihain ni Vice President Sara Duterte na humihiling na pigilan ang impeachment proceedings laban sa kaniya.
Binigyan ng SC ng sampung araw ang House of Representatives para magsumite ng komento.
ALSO READ:
Ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting, hindi pa agad naglabas ng temporary restraining order ang Mataas na Hukuman.
Maliban dito, nagpasya rin ang SC na i-consolidate o pagsama-samahin na ang mga petisyon na may kaugnayan sa impeachment laban kay VP Sara.
Noong March 27, unang naghain ng petisyon ang mga abogadong kaalyado ng bise presidente para humirit ng TRO sa SC.
Kasunod nito ay naghain din ng petition for certiorari ang bise presidente.




