HINDI bababa sa 23 ang patay matapos manalasa ang malakas na ulan sa Southeastern State ng Minas Gerais sa Brazil.
Ayon sa local authorities, bukod sa mga nasawi ay mayroon ang 47 na nawawala.
ALSO READ:
Kinumpirma ng State Fire Department na 16 ang namatay sa City of Juiz de Fora habang pito sa uba.
Sa post sa X, ipinaabot ni Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva ang kanyang pagdadalamhati at pakikiramay.
Aabot naman sa 440 individuals ang inilikas sa Juiz de Fora dahil sa pagbaha at landslides.




