19 February 2026
Calbayog City
Metro

NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March

NAKA-full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) simula 5 P.M. ng Feb. 21, bilang paghahanda para sa nalalapit na EDSA People Power Anniversary at ikinakasang Trillion Peso March Protests.

Sa press conference, sinabi ni NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo, na bagaman walang specific threats na namonitor sa ngayon, patuloy ang kanilang koordinasyon sa intelligence agencies upang matiyak ang kahandaan sa anumang maaring mangyari.

Aniya, inaprubahan ng Quezon City Government ang request ng Trillion Peso March Movement para sa rally mula 7 A.M. hanggang 10 P.M. sa Feb. 25, at pinayagan ang pagdalo ng hanggang 20,000 individuals.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).