10 February 2026
Calbayog City
Metro

2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad

ARESTADO ang dalawang gwardya sa Intramuros, Maynila matapos mag-viral sa social media ang pambubugbog nila sa isang menor de edad. 

Ayon sa Manila Police District, naaresto ang mga suspek na sina Gilbert Mendez at Nilo Anub na kapwa Security Guard ng JSL Security Agency.

Ayon sa reklamo ng disi syete anyos na binatilyo, gabi ng Linggo, February 8 nang iparada niya ang kaniyang bisikleta sa bahagi ng Riverside Plaza Mexico Esplanade para maglakad-lakad pero sinita umano siya ng mga gwardya. 

Hindi umano sumunod ang menor de edad kaya sinigawan na siya ng mga gwardya dahilan para umalis na lamang sya sakay ng bisikleta. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.