IGINIIT ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na sinampahan nila ng reklamo si Vice President Sara Duterte, hindi dahil sa posisyon nito, kundi dahil nakagawa umano ito ng krimen.
Sa press briefing, binigyang diin ng NBI Chief na walang kahit na sino ang mas mataas sa batas, at ang sinumang lumabag ay kanilang pananagutin.
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Ginawa ni Santiago ang pahayag, kasunod ng akusasyon ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hina-harass ng NBI ang Bise Presidente.
Idinagdag pa ng NBI Director na walang makapagdidikta sa kanila, at ang pagsasampa nila ng kasong inciting to sedition at grave threats laban kay VP sara ay bunga ng deliberasyon ng limang abogado na kanya ring kinabibilangan.
Nov. 2024 nang ibunyag ni Duterte sa press briefing na may inutusan siyang tao para paslangin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at speaker Martin Romualdez, kapag siya ay pinatay.