TATLONG araw na hindi muna madaraanan ng mga bangka at mga barko ang bahagi ng Navotas Navigational Gate.
Ayon sa abiso ng Navotas City LGU, magsasagawa ang Metropolitan Manila Development Authority ng Maintenance Activity sa Navigational Gate sa October 16 hanggang 18.
Ito ay para matanggal ang naipong basura at burak sa apron nito para maayos na maisasara ang Navigational Gate.
Para maiwasan ang anumang sakuna at magtuloy-tuloy ang Maintenance Activity pinayuhan ang mga barko at bangka na iwasan muna ang pagdaan sa Tangos River Channel.