PATULOY ang pamamayagpag ng P-Pop group na Bini sa local music scene, makaraang kilalanin bilang “top local artist of the year” ng bagong lunsad na official Philippine Chart.
Ang nation’s girl group ang kauna-unahang artists na nakaabot sa naturang titulo sa ranking, na suportado ng Philippine Recorded Music Right Inc. (PRM) at International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).
Sumunod sa Bini sa top 10 artists of 2024 sina Hev Abi, Ben&Ben, Cup of Joe, Arthur Nery, Dionela, TJ Monterde, Maki, Ai James, at Flow G.
Samantala, nasungkit din ni TJ ang isa pang major recognition, na nanalo ng “Top Local Song Of The Year” para sa kanyang breakout single na “Palagi.”