Umaasa ang National Maritime Polytechnic o NMP na aaprubahan ng Kamara ang kanilang isinumiteng modernization plan na nagkakahalaga ng ₱1.3 bilyon.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas, ipinahayag ni NMP Deputy Executive Director Myla Macadawan na naipasa na nila ang modernization plan sa opisina ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa pamamagitan ni Chairperson of the Committee on Overseas Workers Affairs at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre.
Nakasaad sa planong ito ang mga inisyatibo ng NMP na pagandahin ang kanilang mga pasilidad at imprastruktura, palawakin ang kanilang kapasidad sa training at research, at pagbutihin ang kanilang kabuuang serbisyo.
Dagdag pa ni Macadawan, ang NMP modernization plan ay malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng shipping industry.
Inaasahan din itong makakatulong sa mga marino pati na sa kanilang mga pamilya.
Binanggit ni Macadawan na kapag naaprubahan ang planong ito, ang NMP ay makakakuha ng suporta at pondo na makakatulong sa pagpapalago ng maritime industry ng bansa.
