TATLO katao ang nasawi habang labinlima ang nasugatan kasunod ng malalakas na alon na bumayo sa Spanish Holiday Island na Tenerife.
Ayon sa Emergency Services, isang babae ang binawian ng buhay matapos hatakin ng dagat sa Puerto De La Cruz Resort habang isang lalaki ang nasawi sa Santa Cruz De Tenerife.
Ang ikatlong biktima ay natagpuang wala ng buhay sa dagat malapit sa isang Beach sa Granadilla. Nanawagan ang Emergency Services sa publiko na lumayo muna sa mga baybayin at iwasang kumuha ng mga litrato at videos ng maalong karagatan, habang nagpapatuloy ang masungit na lagay ng panahon.




