NADAGDAGAN ng panibagong highlight ang pagbisita ni Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao sa United States, kasunod ng kanyang appearances sa major sporting events.
Sa kanyang pagtapak sa baseball diamond, ibinato ni Pacquiao ang ceremonial first pitch sa Yankee Stadium bago ang match ng New York Yankees laban sa Oakland Athletics sa Major League Baseball.
Inamin ng eight-division world champion na baseball talaga ang kanyang unang sport bago siya naging sikat na boksingero.
Sinabi ni Pacquiao na naglaro siya bilang batter at pitcher noong siya ay nag-aaral sa elementarya.
Bago ang appearance sa Yankee Stadium, una nang namataan ang Pinoy boxing icon sa courtside sa NHL game sa pagitan ng Los Angeles Kings at Toronto Maple Leafs at sa match sa pagitan ng LA Galaxy at Minnesota United sa Major League Soccer.




