22 November 2024
Calbayog City
National

2 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa kasagsagan ng BSKE sa Maguindanao del Norte

DALAWANG botante ang patay habang limang iba pa ang nasugatan sa pamamaril ng armadong kalalakihan sa Bayan ng Datu Odin Sinsuat, sa Maguindanao del Norte.

Ayon kay Lt. Col. Esmael Madin, Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat, pinagbabaril ng mga salarin ang hindi pa pinapangalanang mga biktima habang papasok ng Bugawas Elementary School upang bumoto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Madin na tumakas ang mga suspek na kinilalang sina Romar Abas alyas “Mok”, Keds Lidasan, Michael Abas at Teng Kapaya, lulan ng motorsiklo.

Nagpatuloy naman ang botohan, subalit inilipat ito sa kalapit na paaralan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *