NAG-Courtesy Visit ang World Health Organization (WHO) Representative Office in the Philippines, sa pangunguna ni National Professional Officer Dr. Florante Trinidad, kay Mayor Raymund “Monmon” Uy, sa Calbayog City Hall.
Sumentro ang kanilang pulong sa pagpapatibay ng commitment ng lungsod para sa isang Smoke-Free and Vape-Free Environment, alinsunod sa WHO Framework Convention on Tobacco Control at Republic Act No. 9211.
Kasama ni Dr. Trinidad sina Ms. Krystel Charisse Daya-Magos, Nurse III at Regional Tobacco Prevention and Control Program Coordinator; at Ms. Mary Ann Politano-Jamora, Nurse I, Technical Staff, na kapwa mula sa Department of Health – Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD).
Ang pagbisita ay bahagi ng mas malawak na Regional Effort upang pagtibayin ang lokal na implementasyon ng Public Health Ordinances para protektahan ang mga komunidad mula sa Tobacco at Vape Exposure.
Muling pinagtibay ni Mayor Mon ang dedikasyon ng Calbayog City sa pangangalaga sa mas malusog na kapaligiran para sa lahat ng Calbayognon, lalo na sa kabataan at Vulnerable Sectors.