PATAY ang dalawampu’t dalawa katao habang hindi bababa sa animnapu ang sugatan sa pamamaril sa Maine, U.S.A.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nangyari ang mass shooting sa bowling alley at sa local restaurant and bar sa Lewiston.
Sinabi ni Maine City Councilor Robert Mccarthy, na naglabas na ang pulisya ng larawan ng identity o pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril.
Sa ngayon, hinikayat ng mga otoridad ang may-ari ng nasabing mga establisyimento na pansamantalang maglockdown o magsara habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.