PINAG-iingat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC ang publiko laban sa mga hindi rehistradong online lending platforms.
Ayon sa CICC, may mga lending platforms sa apps at websites na nag-o-operate at nag-aalok ng loan kahit hindi ito rehistrado at hindi awtorisado ng Securities and Exchange Commission,
ALSO READ:
Pagsapubliko ng Blue Ribbon report sa flood control, inihirit ng grupo ng mga abogado
EDCA sites sa Pilipinas, hindi maituturing na US military bases ayon sa NSC
DSWD, inihahanda na ang tulong sa mga uuwing Pinoy dahil sa gulo sa Middle East
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Kabilang dito ang mga online lending app na nasa Google Play Store, Apple Store at websites.
Payo ng CICC na ugaliin ang pagiging mapagmatyag upang hindi mabiktima.
Maaaring i-double check muna sa SEC para matiyak na legal ang lending company bago makipagtransaksyon.
