26 January 2026
Calbayog City
National

Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

ANG Tangkang Pagsupil sa Katotohanan ay Kalapastanganan

Ang naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard at ng Chinese Embassy sa Maynila ay hindi isang simpleng sagutan lamang kung hindi ito ay hayagang tangka upang patahimikin ang Pilipinas at subukin ang katatagan na ipaglaban ang karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS)

“Makatotohanang ebidensya at hindi propaganda ang inilalahad ng Coast Guard,” ani Dr. Jose Antonio Goitia.

“Hindi nagiging mali ang katotohanan dahil lamang hindi ito kanais- nais sa iba.”

Ang mga pahayag ni Commodore Tarriela ay nakabatay sa opisyal na mga ulat, mga larawan, at dokumentaryo ng katotohanang mga insidente sa dagat.

Hindi ito gawa-gawa lamang o haka haka.Lalo nang hindi paninira sapagkat may kalapakip na ebidensya ng katotohanan dagdag pa ni Goitia.

Ang Transparency ay Mandato ng Estado

Ang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi lamang personal na aksyon ng isang opisyal.

Dahil ito ay isang malinaw na polisiya ng administrasyon ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na ihayag sa mga Pilipino ang totoong nangyayari na walang itinatago.

“Kapag hinihingi ang pananahimik ng isang opisyal,” paliwanag ni Goitia, “ang tinatamaan ay ang patakaran ng estado.

Ang transparency ay hindi opinyon. Ito ay pagpapaakita ng paninindigan ng Pilipinas.

Maliwanag ang posisyon ni Commodore Tarriela.

Ang paglalahad ng katotohanan ay isang pananagutan.

Walang ulat na itatago at walang teritoryong isusuko. Nakatindig ang Pilipinas sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.

Hindi Ito Diplomasya, Ito ay Pananakot

Lumampas na ang China sa hangganan ng diplomasya. Mula sa pahayag ng kanilang embahada, umabot ito sa hayagang babala ng Foreign Ministry ng Beijing, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito, na ang mga opisyal ng Pilipinas at Coast Guard ay dapat tumigil sa kanilang pahayag o “pay the price.”

Ito ay lantad na pananakot at hindi diplomasya.

Ang naging pahayag ng Tsina sa harap ng international community ay hindi makatarungan at isang malinaw na tanda ng pananakot at panggigipit.

Walang banta, gaano man kalakas o kadalas, ang kayang burahin ang ebidensya o pahinain ang paninindigan ng Pilipinas.

Hindi Ito Personal na Laban, Ito ay Usapin ng Soberanya

Ang isyu ay wala na sa antas ng indibidwal.

Isa na itong usapin ng estado.

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tugunan ang agresibong asal ng China alinsunod sa Vienna Convention.

“Estado ang nakikipag usap sa estado,” ani Goitia.

“Hindi dapat tinatakot ang mga lingkod -bayan na ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin.”

Ito ay usapin ng dignidad at soberanya.

Ang Soberanya ay Ipinaglalaban

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).