3 July 2024
Calbayog City
Overseas

Mugshot ni dating US Pres. Donald Trump matapos maaresto sa kasong may kaugnayan sa 2020 presidential election sa Georgia

donald

Si Donald Trump ang naging kauna-unahang dating presidente ng US na nagkaroon ng mug shot makaraang maaresto at maisailalim sa booking process sa Fulton County Jail.

Si Trump ay nahaharap sa labingtatlong kaso na may kaugnayan sa 2020 presidential election sa Georgia.

Kasama si Trump sa 19 na defendants na ipinagharap ng kaso.

Ito ay dahil sa umano ay pagsasabwatan nila para mamanipula ang resulta ng eleksyon sa Georgia noong 2020.

Ibinahagi pa ni Trump ang larawan ng kaniyang mugshot sa kaniyang Twitter account. Ito ang unang pagkakataon na nag-tweet muli si Trump, simula noong Jan. 2021 na himinto sya sa paggamit ng nasabing social networking site.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *