Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang mug shot ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, matapos itong matagumpay na maipa-deport pabalik ng bansa.
Iprinisinta si Guo sa media nang dumating madaling araw ng Biyernes, Sept. 6.
ALSO READ:
DILG, kinumpirmang bigo ang 10 operasyon para mahanap si Atong Ang
40 importers at licensed brokers, kinasuhan ng paglabag sa Customs Modernization Tariff Act
DepEd, nilinaw na pinag-aaralan pa ang Trimester System
Pangulong Marcos, nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year; hinimok ang publiko na maging pursigido sa bawat aksyon
Suot ni Guo ang orange shirt na may nakasulat na “CIDG detainee”.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, kinuhanan ng mig shots at finger prints si Guo at binasahan ng Miranda rights.
Tiniyak din ni Abalos na walang special treatment kay Guo. Aniya, ang selda nito ay walang aircon, at hindi siya pinapayagang gumamit ng cellphone.
