Nasa 143 na Filipinos na ang binigyan ng pardon ng pamahalaan ng United Arab Emirates.
Sa pamamagitan ng phone call ay pinasalamatan ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Ayon sa pangulo, ilang pamilya ang nakahinga ng maluwag dahil sa pardon na ipinagkaloob ng UAE.
Hindi naman tinukoy ng Malakanyang kung anong mga kaso ang kinasangkutan ng mga Pilipino na nabigyan ng pardon.
Kasabay nito, nagpasalamat din si pangulong Marcos kay Zayed sa mga tulong na ibinigay sa Pilipinas.
Hindi maikakaila ayon sa pangulo na maganda ang relasyon ng dalawang bansa. Nag-usap ang dalawang lider sa telepono noong lunes, Oktubre 14.