NAKAPAGTALA ng moderately explosive eruption sa summit crater ng Bulkang Kanlaon, Huwebes, February 26 ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagputok ng bulkan alas syete kwatro ng gabi na tumagal ng dalawang minuto.
ALSO READ:
Ang usok na ibinuga ng bulkan ay umabot sa 2,500 meters ang taas.
May naitala ding pyroclastic density currents o uson mula sa Mt. Kanlaon.
Matapos ang pagputok, nagbuga rin ng abo ang bulkan, kaya inabisuhan ang mga residente sa lugar na maging alerto.
Sa susunod na dalawampu’t apat na oras ay babantayan ng Phivolcs ang aktibidad ng Mt. Kanlaon hinggil sa posibilidad na itaas ang kasalukuyang Alert Level status nito.




